Pilay o Pinsala sa Kalamnan ng Likod

Maaaring nakababahala ang pinsala sa mga kalamnan (strain) o mga litid (sprain) sa paligid ng gulugod. Maaaring mangyari ang pinsala matapos ng biglaang mapuwersang pagpilipit o pagbaluktot, gaya ng sa isang aksidente sa kotse, matapos ang isang simpleng alanganing paggalaw, o matapos magbuhat ng isang bagay na mabigat na hindi maayos ang posisyon ng katawan. Sa alinmang kaso, ang paghilab ng kalamnan ay madalas naroon at nagdaragdag sa pananakit.
Buti na lang, karamihang tao ang mas bumubuti ang pakiramdam pagkaraan ng 1 hanggang 2 linggo. Karamihan sa iba pa ang mas bumubuti ang pakiramdam sa loob ng 1 hanggang 2 buwan. Karamihang tao ang nagagawang manatiling aktibo. Maliban kung nagkaroon ka ng mapuwersa o traumatikong pinsala sa katawan, gaya ng isang aksidente sa kotse o pagkahulog, maaaring hindi gawin ang mga X-ray para sa unang pagsusuri ng isang pilay o pinsala sa kalamnan ng likod. Kung nagpapatuloy ang pananakit at hindi tumutugon sa medikal na paggamot, maaaring gawin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mga X-ray at iba pang pagsusuri.
Pangangalaga sa tahanan
Tutulong sa iyo ang mga patnubay na ito sa pangangalaga ng iyong pinsala sa bahay:
-
Kapag nasa kama, subukang humanap ng isang komportableng posisyon. Pinakamahusay ang isang matigas na kutson. Subukang humiga nang patag na may mga unan sa ilalim ng iyong mga tuhod. Maaari mo ring subukang humiga nang patagilid na nakabaluktot ang iyong mga tuhod papunta sa iyong dibdib at may isang unan sa pagitan ng iyong mga tuhod.
-
Huwag umupo nang napakatagal. Subukang huwag magbiyahe nang matagal sa kotse o iba pang biyahe na nakaupo ka nang matagal. Nagdudulot ito ng higit na stress sa ibabang bahagi ng likod kaysa pagtayo o paglakad.
-
Sa panahon ng unang 24 hanggang 72 oras pagkatapos ng isang pinsala o pagsumpong, maglagay ng ice pack sa masakit na bahagi sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos, alisin ito sa loob ng 20 minuto. Gawin ito sa loob ng 60 hanggang 90 minuto, o ilang beses sa isang araw. Mababawasan nito ang pamamaga at pananakit. Upang makagawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Palaging ibalot ang ice pack sa isang manipis na tuwalya o tela para protektahan ang iyong balat.
-
Maaari kang magsimula sa yelo, pagkatapos lumipat sa init. Init mula sa mainit na shower, mainit na tubig sa bath tub, o heating pad na binabawasan ang pananakit at gumaganang mabuti para sa mga paghilab ng kalamnan. Ilagay ang init sa masakit na bahagi sa loob ng 20 minuto, pagkatapos alisin sa loob ng 20 minuto. Gawin ito sa loob ng 60 hanggang 90 minuto, o ilang beses sa isang araw. Huwag gumamit ng heating pad habang natutulog. Maaari nitong mapaso ang balat.
-
Maaari mong pagpalitin ang yelo at init. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang malaman ang pinakamahusay na paggamot o therapy para sa iyong pananakit.
-
Makakatulong ang therapeutic massage na ma-relaks ang mga kalamnan ng likod nang hindi inuunat ang mga ito.
-
Dapat mong malaman ang mga ligtas na paraan ng pag-aangat. Huwag magbuhat ng anumang mahigit sa 15 pound hanggang mawala lahat ng pananakit.
Mga Gamot
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gumamit ng mga gamot, lalo na kung mayroon kang iba pang problema sa kalusugan o umiinom ng iba pang gamot.
-
Maaari kang gumamit ng mga gamot na nabibili nang walang reseta, gaya ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen, upang makontrol ang pananakit, maliban na lang kung may ibang iniresetang gamot para sa pananakit. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago uminom ng anumang gamot kung mayroon kang pangmatagalang kondisyon, gaya ng diabetes, sakit sa atay o kidney, mga ulcer sa sikmura, o pagdurugo ng bituka, o gumagamit ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo.
-
Mag-ingat kung binigyan ka ng mga inireresetang gamot, gaya ng mga opioid, o gamot para sa paghilab ng kalamnan. Magdudulot ito ng pagkaantok, at maaapektuhan ang iyong koordinasyon, mga reflex, at pagpapasya. Huwag magmaneho o magpatakbo ng malalaking makina kapag umiinom ng mga ganitong uri ng mga gamot. Uminom lang ng gamot para sa pananakit ayon sa inireseta ng iyong tagapangalaga.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan gaya ng ipinapayo. Maaaring kailanganin mo ng physical therapy o mas maraming pagsusuri kung lumubha ang iyong mga sintomas.
Kung nagkaroon ka ng mga X-ray, maaaring sinusuri ng iyong tagapangalaga ang anumang nabali o nabasag na buto. Kung minsan, maaaring kasing sakit ang mga pasa at pilay ng bali. Maaaring magtagal para ganap na maghilom ang mga pinsalang ito. Kung hindi gumaling ang mga sintomas mo o lumubha ang mga ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga. Maaaring kailanganin mong ulitin ang X-ray o iba pang pagsusuri.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kapag nangyari ang alinman sa mga ito:
-
Hirap sa paghinga
-
Nalilito
-
Sobrang inaantok o nahihirapang gumising
-
Pagkahimatay o pagkawala ng ulirat
-
Mabilis o napakahinang pintig ng puso
-
Kawalan ng kontrol sa pagdumi o sa pantog
-
Panghihina o pamamanhid sa 1 o magkabilang braso o binti
-
Pamamanhid sa singit o bahagi ng ari
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ito: