Vertigo (Hindi Matukoy na Sanhi)

Ang vertigo ay maling pakiramdam ng paggalaw. Hindi ka gumagalaw, ngunit pakiramdam mo na gumagalaw ka. Maaaring sanhi ng mga problema sa panloob na bahagi ng tainga ang pakiramdam na ito. Bukod sa nakakatulong ito sa pandinig, ang panloob na bahagi ng tainga ay bahagi ng sentro ng pagbalanse ng iyong katawan. Kapag may nakaaapekto sa sentro ng pagbalanse, maaari kang magkaroon ng vertigo. Madalas, ang pakiramdam mo ay tila umiikot ka o ang iyong silid. Maaaring magdulot ang pag-atake ng vertigo ng biglaang pagduwal, pagsuka, at labis na pamamawis. Nagdudulot ang malalang vertigo ng pagkawala ng balanse at maaari kang mabuwal. Tuwing may vertigo, madalas na pinalala ang sintomas ng maliliit na paggalaw ng ulo at mga pagbabago sa posisyon ng katawan. Maaari ka ring magkaroon ng pag-alingawngaw sa mga tainga (tinnitus).
Maaaring tumagal ang isang episode ng vertigo nang ilang segundo, minuto, o oras. Kapag natapos na ang unang episodyo, maaaring hindi na ito bumalik na muli. Ngunit maaaring pabalik-balik ang mga sintomas. Madalas na ipapagawa sa iyo ng iyong tagapangalaga ang ilang mga paggalw ng ulo at katawan sa opisina para gamutin ang iyong vertigo.
Hindi pa nalalaman ang sanhi ng iyong vertigo. Kabilang sa mga posibleng sanhi ng vertigo ang:
-
Pamamaga ng panloob na bahagi ng tainga
-
Sakit sa mga nerbiyo sa loob ng tainga
-
Paggalaw ng mga maliliit na butil ng calcium sa loob ng tainga
-
Mahinang daloy ng dugo sa mga sentro ng pagbalanse sa utak
-
Pananakit ng ulo dulot ng migraine
-
Sa mga mas matandang adulto, ang paggamit ng higit sa isang gamot na may ilang kondisyon sa kalusugan
Pangangalaga sa tahanan
-
Kung malubha ang mga sintomas, magpahingang mabuti sa iyong kama. Magbago ng mga posisyon nang napakarahan. Madalas na may isang posisyon na pinakamainam sa iyong pakiramdam. Ito ang paghiga sa isang panig o paghiga nang nakatihaya na bahagyang nakataas ang iyong ulo gamit ang mga unan. Malibang wala ka nang nararamdamang sintomas, mataas ang panganib na ikaw ay matumba o mahulog. Magpatulong sa iba kapag babangon ka. Alisin ang mga panganib sa tahanan tulad ng nakalawit na mga kurdon ng kuryente, mga kalat, laruan sa sahig, at basahan. Huwag maglakad sa mga lugar na hindi ka pamilyar at madilim. Hayaang nakabukas ang malamlam na ilaw sa mga banyo at kusina tuwing gabi.
-
Huwag magmaneho ng sasakyan o gumamit ng mapanganib na makinarya 1 linggo man lang matapos mawala ang mga sintomas.
-
Uminom ng gamot ayon sa iniresetaa upang maibsan ang iyong mga sintomas. Maliban kung may ibang iniresetang gamot para sa mga sintomas ng pagduduwal, pagsusuka at pagkahilo, maaari kang gumamit ng mga tableta para sa pagkahilo dulot ng paggalaw na mabibili nang walang reseta. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa gamot na nabibili nang waang reseta o mga epekto nito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o pharmacist bago ito inumin. Ipaalam sa iyong pharmacist ang lahat ng iba pang gamot na iniinom mo at kung mayroon kang anumang allergy sa mga gamot.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa itinagubilin. Kung isinangguni ka sa isang espesyalista o para sa pagsusuri, maagap na sundin ang appointment.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:
-
Lagnat na 100.4°F (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Lumalalang vertigo o hindi nakokontrol ng iniresetang gamot
-
Paulit-ulit na pagsusuka na hindi humihinto pagkatapos uminom ng iniresetang gamot
-
Matinding pananakit ng ulo
-
Pagkatuliro
-
Problema sa paningin
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Pakiramdam na nanghihina (pagkawala ng malay)
-
Kumbulsyon
-
Panghihina ng isang bisig, binti, o isang bahagi ng mukha
-
Nahihirapan sa pagsasalita
Online Medical Reviewer:
Ashutosh Kacker MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed:
11/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.