Pananakit ng Leeg
May ilang posibleng sanhi ang pananakit ng leeg kapag walang pinsala:
-
Maaari kang magkaroon ng kaunting pilay sa litid o pagkapuwersa ng kalamnan dahil sa biglaang mahinang paggalaw ng leeg. Maaari din itong idulot ng pagtulog na nasa alanganing posisyon ang iyong leeg.
-
Tumutugon ang ilang tao sa emosyonal na stress sa pamamagitan ng pagbanat ng kanilang leeg, mga balikat, at itaas na likod. Maaaring magdulot ng pananakit ng leeg at kung minsan ay pananakit ng ulo ang pangmatagalang paghilab sa mga kalamnang ito.
-
Maaaring magdulot ng degenerative arthritis ang unti-unting pagkapudpod at pagkasira ng mga kasukasuan. Maaari itong pagmulan ng pana-panahon o pangmatagalang pananakit ng leeg.
-
Maaaring umumbok ang mga spinal disk at puwersahin ang kalapit na nerbiyo ng gulugod. Maaari itong mangyari bilang isang natural na resulta ng pagtanda o paulit-ulit na maliliit na pinsala sa leeg. Ang mga spinal disk ang mga sapin sa pagitan ng bawat buto sa gulugod. Nagdudulot ito ng pangingilig, pananakit, o pamamanhid na kumakalat mula sa leeg patungo sa balikat, braso, o kamay sa isang gilid.

Karaniwang gumagaling ang malubhang pananakit ng leeg sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. Maaaring maging malubha at magtagal nang ilang buwan o taon ang pananakit ng leeg na may kaugnayan sa sakit sa disk, arthritis sa mga kasukasuan ng gulugod, o spinal stenosis. Ang spinal stenosis ay pagkitid ng spinal canal.
Hindi karaniwang iniuutos ang mga X-ray para sa unang pagsusuri ng pananakit ng leeg. Ngunit maaaring gawin ang mga X-ray kung nagkaroon ka ng mapuwersang pinsala sa katawan, gaya ng isang aksidente sa kotse o pagkahulog. Kung nagpapatuloy ang pananakit at hindi tumutugon sa medikal na paggamot, maaaring gawin ang mga X-ray at iba pang pagsusuri kinalaunan.
Hindi madalas, maaaring palatandaan ang pananakit ng leeg ng mas malubhang nakapaloob na medikal na kondisyon.
Pangangalaga sa tahanan
-
Ipahinga at irelaks ang mga kalamnan. Gumamit ng komportableng unan na sumusuporta sa ulo. Dapat din itong tumulong na panatilihin ang gulugod sa neutral na posisyon. Hindi dapat nakayuko o nakahilig patalikod ang posisyon ng ulo. Maaaring makatuong ang nakabilot na tuwalya para sa pasadyang pag-akma.
-
Makatutulong sa pananakit ang malambot na cervical collar, lalo na ang pananakit sa paggalaw ng ulo. Masasabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung angkop ito para sa iyong kondisyon.
-
Gumiginhawa ang ilang tao sa init. Maaaring ilapat ang init gamit ang alinman sa maligamgam na shower o paliligo sa bath tub o mamasa-masang tuwalya na pinainit sa microwave at masahe. Mas gusto ng iba ang malamig na pakete. Makagagawa ka ng ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Pagkatapos, ibalot ang bag gamit ang manipis na tuwalya. Subukan pareho at gamitin ang paraan na pinakamaganda ang pakiramdam sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, ilang beses sa isang araw.
-
Gumagamit ka man ng yelo o init, maging maingat na hindi mapinsala ang iyong balat. Huwag kailanman direktang maglagay ng yelo sa iyong balat. Palaging ibalot ang yelo sa isang tuwalya o iba pang uri ng tela. Napakahalaga nito, lalo na sa mga taong may mahinang pakiramdam ang balat.
-
Subukang bawasan ang antas ng iyong stress. Maaaring humantong ang emosyonal na stress sa tensiyon sa kalamnan ng leeg at humadlang sa o antalain ang proseso ng paghilom.
-
Maaari kang gumamit ng mga gamot sa pananakit na nabibili nang walang reseta upang makontrol ang pananakit, maliban na lang kung may ibang iniresetang gamot. Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng bituka, makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago gamitin ang mga gamot na ito.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi gumaling ang iyong mga sintomas pagkatapos ng 1 linggo. Maaaring kailanganin ang physical therapy o marami pang pagsusuri.
Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga kung kinuhanan ka ng mga X-ray, CT scan, o MRI.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mayroon kang:
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lumulubha o kumakalat ang pananakit sa 1 o parehong braso
-
Panghihina ng mga braso o binti
-
Kawalan ng kontrol sa pagdumi o sa pantog
-
Pananakit ng ulo na dumadalas
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
8/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.