Bronchospasm (Bata)

Kapag humihinga ang iyong anak, bumababa ang hangin sa pangunahing windpipe (lalagukan) at sa bronchi patungo sa mga baga. Ang bronchi ay ang 2 tubo na humahandtong mula sa lalagukan patungo sa kaliwa at kanang mga baga. Kung mairita at mamaga ang bronchi, maaaring kumipot ito. Ito ay dahil humihilab ang mga kalamnan sa paligid ng mga daluyan ng hangin. Ginagawa nitong mahirap na huminga. Tinatawag ang kondisyong ito na bronchospasm.
Maaaring sanhi ng maraming iba't ibang bagay ang bronchospasm. Kasama sa mga ito ang mga allergy, hika, impeksiyon sa palahingahan, ehersisyo, o reaksyon sa isang gamot.
Pinahihirap ng bronchospasm ang paghinga. Nagdudulot ito ng paghingang may sipol kapag humihinga palabas. Sa malulubhang kaso, mahirap huminga paloob o palabas. Ang wheezing ay tunog na sumisipol dulot ng paghinga sa isang kumitid na mga daanan ng hangin. Maaari ding magdulot ang bronchospasm ng madalas na pag-ubo na walang tunog na sumisipol. Maaaring umubo, humingasing, o mangapos ang hininga ng batang may bronchospasm. Gumagawa ng uhog ang bahaging namamaga. Maaaring bahagyang maharangan ng uhog ang mga daluyan ng hangin. Maaaring humigpit ang mga kalamnan ng dibdib. Maaari ding magkaroon ng lagnat ang bata.
Maaaring bigyan ng gamot ang batang may bronchospasm upang iuwi sa bahay. Maaaring kailanganing manatili sa ospital ang batang may bronchospasm sa loob ng isa o higit pang gabi. Doon, bibigyan siya ng IV (intravenous) na mga likido, mga paggamot sa paghinga, at oxygen.
Nagkaka-bronchospasm ang mga batang may hika. Ngunit hindi lahat ng batang may bronchospasm ay may hika. Kung may mga pag-ulit ng pagsumpong ng bronchospasm ang isang bata, maaaring kailanganin niyang masuri para sa hika.
Pangangalaga sa tahanan
Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa iyong anak sa iyong tahanan:
-
Maaaring magreseta ng mga gamot ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Sundin ang mga tagubilin para sa pagbibigay ng mga ito sa iyong anak. Huwag bigyan ang iyong anak ng anumang gamot na hindi inaprubahan ng tagapangalaga. Maaaring resetahan ang iyong anak ng gamot na bronchodilator. Ito ay para makatulong sa paghinga. Maaaring ito ay isang inhaler na may spacer, o isang likido na ginagawang aerosol ng isang makina, pagkatapos ay nilalanghap. Ipagamit sa iyong anak ang gamot nang eksakto sa mga oras na ipinayo.
-
Huwag bigyan ang batang wala pang edad na 6 ng gamot sa ubo o sipon maliban kung sinabi ng tagapangalaga ng kalusugan na gawin ito.
-
Alamin ang mga babalang senyales ng pag-atake ng bronchospasm. Maaaring kabilang sa mga ito ang ubo, paghingasing, kakapusan ng hininga, paninikip ng dibdib, pagiging iritable, hindi makatulog, lagnat, at ubo. Maaaring hindi interesadong kumain ang iyong anak. Alamin kung ano-anong gamot ang ibibigay kung makita mo ang mga senyales na ito.
-
Hugasang mabuti ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig bago at pagkatapos asikasuhin ang iyong anak. Ito ay para makatulong na mapigilan ang pagkalat ng impeksyon.
-
Bigyan ang iyong anak ng maraming panahon na makapagpahinga.
-
Mga bata na 1 taong gulang at mas matanda: Patulugin ang iyong anak sa bahagyang patayong posisyon. Para makatulong ito na mas madaling makahinga. Kung posible, iangat ang bandang ulo ng kama nang bahagya. O itaas ang ulo ng iyong mas matandang anak at itaas na bahagi ng katawan gamit ang mga dagdag na unan. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa kung gaano itataas ang ulo ng iyong anak.
-
Mga sanggol na mas bata sa 12 buwan: Huwag kailanman gumamit ng mga unan o patulugin ang iyong sanggol nang nakadapa o nakatagilid. Dapat matulog nang nakatihaya ang mga sanggol na mas bata sa 12 buwan. Huwag gumamit ng mga upuan na pangkotse, stroller, swing, baby carrier, at baby sling para sa pagtulog. Kung makatulog ang iyong sanggol sa isa sa mga ito, ilipat siya sa isang patag at matatag na ibabaw sa lalong madaling panahon na magagawa mo.
-
Upang maiwasan ang pagkawala ng tubig sa katawan at tulungang lumuwag ang uhog sa baga sa maliliit na bata at mas malalaking bata, painumin ang iyong anak ng maraming likido. Marahil mas gusto ng iyong mga anak ng malamig na inumin, nagyeyelong mga panghimagas, o ice pops. Maaaring gusto rin nila ang mainit na sabaw ng manok o inumin na may lemon at honey. Huwag bigyan ng pulot ang iyong nakababatang anak na wala pang 1 taong gulang.
-
Upang maiwasan ang pagkawala ng tubig sa katawan at tulungang lumuwag ang uhog sa baga sa mga sanggol, painumin ang iyong anak ng maraming likido. Gumamit ng pampatak ng gamot, kung kailangan, para magbigay ng kaunting gatas ng ina, formula, o malilinaw na likido sa iyong sanggol. Bigyan ng 1 hanggang 2 kutsarita kada 10 hanggang 15 minuto. Ang sanggol ay maaari lamang pakainin nang pasaglit-saglit. Kung ikaw ay nagpapasuso, kumuha at magtabi ng gatas para ipasuso sa kanya sa ibang panahon. Bigyan ang iyong anak ng oral rehydration solution sa pagitan ng mga pagpapakain. Mabibili ang mga ito mula sa botika.
-
Huwag manigarilyo nang malapit sa iyong anak. Maaaring palalain ng usok ng sigarilyo ang mga sintomas na nararanasan ng iyong anak.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, o ayon sa ipinayo.
Espesyal na paalala sa mga magulang
Huwag bigyan ng mga gamot na para sa ubo at sipon ang sinumang batang wala pang edad na 6. Hindi tumutulong ang mga ito sa maliliit na bata, at maaaring magdulot ang mga ito ng malulubhang side effect.
Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Hindi gumagaling sa loob ng 24 na oras ng paggamot
-
Mga sintomas na hindi gumagaling o lumulubha
-
Ubo na maraming malapot at may kulay na plema
-
Hirap na paghinga na hindi gumagaling, o lalong lumalala
-
Mabilis na paghinga
-
Pagkawala ng gana o hindi magandang pagpapakain
-
Mga senyales ng pagkatuyo ng tubig sa katawan, tulad ng panunuyo ng bibig, umiiyak nang walang luha, o pag-ihi ng mas kaunti kaysa normal
-
Kailangan ang mas maraming gamot kaysa inireseta upang makatulong na mapaginhawa ang paghingasing
-
Hindi napagiginhawa ng gamot ang paghingasing
-
Lagnat (tingnan ang "Lagnat at mga bata" sa ibaba)
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.
Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:
-
Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan
-
Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang
-
Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda